"Kaibigan mo, tunay ba?"
Matalik na magkakaibigan sina Gwen, Dani, at Eisha, Grade 5 pa lang sila lagi na silang magkakasama saan man sila magpunta. At kahit ngayong nasa highschool na sila malapit parin ang ugnayan nila sa isa't isa.
Isang hapon pagkatapos ng klase, inaya nina Dani at Eisha si Gwen na pumunta sa isang party ng kaklase nila.
"Tara na baka hinahanap na nila tayo." pag-aya ni Dani.
"Teka, hindi ba maaga ang klase natin bukas? Hindi pa ako nakakagawa ng mga takdang-aralin, kayo nalang kaya?" sagot ni Gwen.
"Akala ko ba walang iwanan? Sige na sumama ka na, ako rin naman wala pang nagagawa, at tiyaka pwede naman tayong hindi pumasok bukas." may pangungumbinsing sabi ni Eisha.
"Oo nga, at tiyaka halos lahat naman ng kaklase natin pupunta." dagdag pa ni Dani.
Ayaw mang sumama, walang nagawa si Gwen, ayaw niyang magalit o magtampo ang mga kaibigan niya sa kaniya kapag hindi siya sumama.
Habang nasa party may masamang kutob na si Gwen, kaya niyaya na niya ang mga kaibigan niya na umalis,
"Tara alis na tayo, lampas na ng hatingggabi, maaga pa ang pasok natin bukas, baka ma-late pa tayo." sabi ni Gwen.
Sumang-ayon ang iba nilang kaklase, pero ayaw pang umalis nina Dani at Eisha.
"Bahala ka kung gusto mong umalis, basta kami magpapaka-enjoy kami dito, ikaw din, kapag umalis ka, kalimutan na nating magkakaibigan tayo." may halong pananakot na sabi ni Eisha.
Ayaw man niyang mawala ang kanilang pagkakaibigan, mas mahalaga parin kay Gwen ang kaligtasan niya at ng iba pa, kaya umalis siya at sumama din sa kaniya ang iba pa nilang kaklase. Kinabukasan, nakita niya ang nangyari sa party na pinuntahan nila sa isang diyaryo na nakapaskil sa kanilang paaralan. May sumabog palang mga electrical wires na naging sanhi ng sunog, dahil na-trap sila sa loob, walang nakaligtas.
Napagtanto ni Gwen na kung hindi siya umalis agad at sumama parin sa mga kaibigan niya, malamang isa narin siya sa mga iniiyakan ng mga magulang niya. Tahimik siyang nanalangin at nagpasalamat sa Diyos na nakaligtas siya.
1. Pamagat ng iyong maikling kwento: "Kaibigan mo, tunay ba?"
2. Tema: Pagkakaroon ng tunay na kaibigan na maaasahan sa lahat ng panahon
3. Mga Tauhan: Dani, Eisha, Gwen
4. Tagpo: Nasa isang party sina Gwen, Dani, at Eisha, ma masamang kutob na si Gwen kaya inaya na niya ang mga kaibigan niya na umalis.
5. Buod: Bata palang ay magkakaibigan na sina Gwen, Dani, at Eisha at lagi na silang magkakasama sanman sila magpunta. Noong magpunta sila sa isang party may masamang kutob na si Gwen kaya inaya na niya ang mga kaibigan niya na umalis, pero hindi sila nakinig kaya napahamak sila.
6.Suliranin/Tunggalian: May masamang kutob na si Gwen sa pinuntahan nilang party, kaya inaya na niya ang mga kaibigan nia na umalis, pero ayaw nilan umalis at pinagbantaan pa nila si Gwen na kapag umalis siya kalimutan na niya ang pagkakaibigan nila.
7. Kasukdulan: Naguguluhan si Gwen, kailangan niyang mamili kung pipiliin niya ang kaligtasan niya at ng iba pa o pipiliin niya ang pagkakaibigan nila at sasamahan sila.
8. Kakalasan: Ayaw man niyang iwan ang mga kaibigan niya, pinili ni Gwen ang kaligtasan niya at ng iba pa, kahit mahirap ito.
9. Wakas: Nalaman niya kinabukasan na nagkaroon ng sunog sa party na pinuntahan nila at walang nakaligtas.
10. Aral: Ang tunay na kaibigan ay dapat maaasahan at hindi ka ilalagay sa sitwasyong iyong ikakapahamak.