kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna
ang salitang korido ay galing sa salitang mehikanong “corridor” na nangangahulugang “kasalukuyang pangyayari”, ang mehikanong salitang “corridor” ay mula naman sa kastilang “occurido”. isang anyo ng tulang romansa ang korido. naglalarawan ito ng pakikipagsapalaran sa buhay ng mga kababalaghan at pantasya, nagpapamalas ng kagitingan, kabayanihan at pagkamaginoo. lumaganap sa europa ang korido bilang isang mataas na uri ng libangan. sinasabing ang korido ay batay sa mga alamat at kuwentong bayan sa europa gaya ng espanya, gresya, italya, germany, denmark, pransiya, austria at maging sa tsina at malay o polenesia.
nakarating ang korido sa pilipinas nang dalhin ito ng mga kastila mula sa europa na ang layunin ay mapalaganap ang relihiyong kristiyanismo sa bansa. mula sa banyagang padron ang korido ngunit pagdating sa pilipinas ay sinangkapan ito ng mga katutubong kaugalian upang maitanghal ang natatangi at naiibang kaligiran nito.
kinagawiang basahin ng mga katutubo ang korido dala na rin ng kawalan ng iba anyo ng panitikang mababasa noong panahong iyon sanhi na rin ng kahigpitan ng mga paring kastila sa pagpapahintulot ng pagkalat ng iba’t ibang uri ng akdang maaaring basahin ng mga tao. hindi kailanman pinahihintulutan ang pagkalat ng mga babasahing hindi naglalaman ng magandang pagtingin sa relihiyong kanilang pinalaganap.
bagama’t ang ibong adarna ay itinuturing na hindi katutubo, nagtataglay naman ito ng mga halagang pangkatauhan at kaugaliang taglay rin ng mga pilipino gaya ng pananampalataya sa panginoon, pagmamahalan sa pamilya, pagpapahalaga sa edukasyon, pagpapatawad sa kapwa, pagtulong sa nangangailangan, pagdiriwang, pagtanaw ng utang na loob at marami pang iba.
kaya naman hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na pinag-aaralan ito bilang bahagi ng kurikulum sa unang taon upang mapalaganap hanggang sa susunod pang henerasyon ang kalinangan ng kulturang pilipino na taglay ng koridong ibong adarna.
sinabi ni santillan-castrence (1940) na ang kasaysayan ng ibong adarna ay maaaring hango sa mga kuwentong-bayan ng iba’t ibang bansa, tulad ng alemanya, denmark, romania, austria, finland, indonesia, at iba pa.
taglay ng ibong adarna ang motif ng cycle na matatagpuan sa mga kuwentong bayan o folklore. ito’y ang sumusunod: maysakit ang ina (isang reyna) isang ama (isang hari) at kailangan ng isang mahiwagang bagay upang gumaling, tulad ng ibong umaawit, tubig ng buhay, halaman, at iba pa. maglalakbay ang tatlong anak ngunit ang bunso ang magtatagumpay (dahil matulungin) na makuha ang makalulunas na bagay sa tulong ng
matandang ermitanyo. pagtutulungan siya ng nakatatandang mga kapatid upang agawan ng karangalan, at magdaranas siya ng maraming hirap, ngunit magtatagumapy rin sa huli.