mga kababaihan sa taiwan (noon at ngayon)
noong nakalipas na 50 taon, ang babae sa taiwan ay katulad ng mga kasambahay o housekeeper. tungkulin nila na tapusin ang hindi mahahalagang gawaing-bahay na hindi natapos ng kanilang asawa. ang mga babae ay walang karapatang magdesisyon dahil sa kanilang mababang kalagayan sa tahanan.
mga kababaihan sa taiwan ngayon
ang mga kababaihan ngayon sa taiwan ay may pananagutan pa rin sa mga gawaing-bahay.
sa larangan ng pagtatrabaho, inaasahang magagawa ng mga kababaihan ang nagagawa ng kalalakihan. sa madaling salita, dalawang mabibigat na tungkulin ang nakaatang sa kanilang balikat.
ang kanilang kalagayan ay pinatutunayan ng pagtaas ng kanilang sahod, pagkakataong makapag-aral, at mga batas na nangangalaga sa kanila. karamihan sa mga kumpanya ay nagbibigay ng importansya sa kakayahan ng mga babae at ang nasa kinauukulan ay handang tumanggap ng mga babaeng may kakayahan at masuwelduhan ng mataas. tumataas din ang pagkakataon na umangat ang babae sa isang kumpanya at napatutunayan ito dahil nakikita na ring may mga babaeng namamahala.
marami na rin sa kababaihan sa taiwan ang nakakapag-aral. ayon sa isang estadistika mula sa gobyerno, higit na mataas ang bilang ng mga babaing nag-aaral sa kolehiyo kung ihahambing sa kalalakihan makalipas ang 50 taon.
ang mga batas sa taiwan ay gumagawa ng mga pagbabago para sa pangangalaga sa kababaihan. halimbawa, sa accton inc., isa sa mga nangungunang networking hardware manufacturer sa taiwan, ginawa nang isang taon ang maternity leave sa halip na 3 buwan lamang.
lubos ng napahahalagahan ang karapatan ng mga kababaihan sa taiwan ngayon. ngunit hindi ito nangangahulugan na ang mga babae ay tumatanggap na ng pantay na posisyon at pangangalaga sa lipunan. mayroon pa ring kumpanya na hindi makatarungan ang pagtrato sa mga babaing lider nito. may mga asawang lalaki parin na nagbibigay ng mabibigat na trabaho sa kanilang asawang babae.