ang patakarang pang-salapi ay nakasalig sa relasyon sa pagitan ng mga rate in interes sa isautangin at ang kabuuang suplay ng salapi. ang patakarang pang-salapi ay gumagamit ng iba't ibang mga kasangkapatan upang kontrolin ang isa o pareho nito, upang impluwensiyahan ang mga kalalabasan tulad ng paglagong ekonomiko, inplasyon, mga rate ng palitan sa ibang mga kurensiya at kawalang trabaho. kung ang kurensiya ay nasa ilalim ng isang monopolyo ng pag-iisyu, o kung mayroon isang nireregulang sistema ng pag-iisyu ng kurensiya sa pamamagitan ng mga bangko na nakatali sa isang bangko sentral, ang autoridad na pang-salapi ay may kakayahang magbago ng suplay ng salapi at kaya ay umiimpluwensiya sa rate ng interes upang makamit ang mga layunin. ang panimula ng patakarang pang-salapi bilang gayon ay nagmumula sa huli nang ika-19 siglo kung saan ito ginamit upang panatilihin ang pamantayang ginto.
ang isang patakarang ay tinutukoy na kontraksiyonaryo(nagpapaliit) kung ito ay nagpapaliit ng sukat ng suplay ng salapi o pinapataas ito nang mabagal o itinataas nito ang rate ng interes. ang isang ekspansiyonaryo(nagpapalawig) ay nagpapataas ng sukat ng suplay ng salapi nang mas mabilis o nagbababa ng rate in interes. sa karagdagan, ang mga patakarang pang-salapi ay inilalalarawan ng sumusunod: akomodatibo, kung ang rate ng inters na itinakda ng sentral na autoridad na pang-salapi ay naglalayon sa lumikha ng paglagong ekonomiko; neutral kung ang layunin nito ay hindi lumikha ng paglagong ekonomiko o hindi labanan ang inplasyon; o mahigpit kung ang layunin nito ay paliitin ang inplasyon. may ilang mga kasangkapang ng patakarang pang-salapi na magagamit upang makamit ang mga layuning ito: pagtataas ng rate ng interes sa fiat, pagbababa ng basehang pang-salapi at pagtataas ng mga inaatasang reserba. ang lahat ng mga ito ay epekto sa pagpapaliit ng suplay ng salapi at kung babaliktarin ay nagpapalawig ng suplay ng salapi. simula mga 1970, ang patakarang pang-salapi ay pangkalahatang binuo ng hiwalay mula sa patakarang piskal. kahit bago ang mga 1970, ang sistemang bretton woods ay sumisiguro pa rin na ang karamihan ng mga bansa ay bubuo ng dalawang mga patakarang ito nang hiwalay.
sa loob ng halos lahat ng mga modernong bansa, ang mga espesyal na institusyon(gaya ng sistemang pederal na reserba sa estados unidos]], bangko ng inglatera, europeong bangko sentral, ang bangko ng tsina ng mga tao at ang [[bangko ng hapon) ay umiiral na may gawaing magpatupad ng mga patakarang pang-salapi at kadalasang ay indepediyente sa ehekutibong sangay ng pamahalaan. sa pangkalahatan, ang mga institusyong ito ay tinatawag na mga bangko sentral at kadalasan ay may iba pang mga responsibilidad gaya ng pangangasiwa ng makinis na operasyon ng sistemang pinansiyal.
ang pangunahing kasangkapan ng patakarang pang-salapi ang mga operasyon ng bukas na pamilihan. ito ay nagdudulot ng pangangasiwa ng kantidad o bilang ng salapi na nasa sirkulasyon sa pamamagitan ng pagbili o pagbebenta ng iba't ibang mga instrumentong pinansiyal gaya ng mga [[treasury bill], bono o dayuhang kurensiya. ang lahat ng mga pagbiling ito o pagbebenta ay nagreresulta sa mas marami o kaunting basehang kurensiyang pumapasok o lumilisan sa sirkulasyon ng pamilihan. karaniwan, ang maikling panahong layunin ng mga operasyon ng bukas na pamilihan ay magkamit ng isang spesipikong terminong inaasintang rate ng interes. sa ibang mga instansiya, ang patakarang pang-salapi ay maaaring bagkus na magdulot ng pag-aasinta ng isang spesipikong rate ng palitan relatibo sa isang dayuhang kurensiya o kundi ay relatibo sa ginto. halimbawa, sa kaso ng estados unidos, ang reserbang pedral ay umaasinta ng rate ng mga pederal na pondo na rate kung saan ang mga kasaping bangko ay nagpapahiram sa bawat isa ng biglaan. gayunpaman, ang patakarang pang-salapi ng tsina ay umasinta sa rate ng palitan sa pagitan ng renminbi ng tsina at isang basket ng mga dayuhang kurensiya. ang iba pang mga pangunahing paraan ng pagsasagawa ng patakarang pang-salapi ay kinabibilangan ng bintanang diskuwentong pagpapahiram (nagpapahiram ng huling dulugan; (ii) praksiyonal na depositong pagpapahiram (mga pagbabago sa kinakailangang reserba); (iii) moral na suasion (panghihikayat ng ilang mga manlalaro ng pamilihan upang makamit ang mga tinutukoy na kalalabasan); (iv) "mga operasyong bukas na bibig" (nagsasalitang patakarang pang-salapi sa pamilihan).